Manila, Philippines – Ka-klaruhin mismo ni dating Labor Usec. Joel Maglunsod kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rason ng pagkakasibak niya sa pwesto.
Giit ni Maglunsod – maging siya ay nagulat sa pagsibak sa kanya ng Pangulo gayong tuluy-tuloy naman ang kanyang trabaho para maisulong ang kapakanan ng mga manggagawa.
Kinondena naman ng mga labor group ang ginawang pagsibak ng Pangulo kay Maglunsod na anila ay naging boses ng mga manggagawa sa loob ng DOLE.
Para naman sa Kilusang Mayo Uno – pinutol nito ang tiwala ng taumbayan na kayang tugunan ng gobyerno ang mga isyu ng kontraktwalisasyon, mababang sweldo at makataong working condition sa bansa.
Samantala, itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may crackdown ang gobyerno sa mga labor leader kasunod ng naging banta ng pangulo na aarestuhin sila.
Una rito, binanatan ni Pangulong Duterte si Maglunsod at ang kinaaniban nito noon na kilusang mayo uno dahil sa mga labor strike na nakakasira raw sa ekonomiya ng bansa.