LILINAWIN | Mga miyembro ng media, nakatakdang pulungin ng BOC

Manila, Philippines – Iniimbitahan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga kawani ng media na makiisa sa gagawing open discussion bukas.

Ito ay upang talakayin ang bagong polisiya na inilabas na kagawaran ukol sa media coverage at upang tumanggap ng suhestyon kung paano pa mas magiging organisado ang pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa media.

Ayon kay Customs Spokesperson Atty. Erastus Austria, gagawin sa collector’s room ng alas-10:00 ng umaga ang naturang pagpupulong.


Bukas ito para sa lahat at ng media entities.

Matatandaan na nitong Martes, marami ang umalma nang maglabas ng bagong patakaran ang Bureau of Customs (BOC) hinggil sa media coverage.

Nakasaad kasi sa abiso ng customs public information and assistance division na kailangan munang magpadala ng liham ang news agency kay Customs Commissioner Leonardo Rey Guerrero limang araw bago ang gagawing interview.

Ito ay upang maiwasan ang mga informal at ambush interview.

Nilinaw naman ni Austria na maari siyang tawagan ng mga media kapag may mga immediate concerns o katanungan.

Facebook Comments