Manila, Philippines – Naglatag na ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan at ilang stakeholders ng Boracay ng anim na buwang action plan para linisin ang isla.
Ayon kay Malay Mayor Ciceron Cawaling, simula Marso hanggang Disyembre ay ipatitigil na ang pagpapatayo ng mga bagong istruktura at aayusin na rin ang baradong drainage system sa isla.
Aniya, handa rin siyang magpa-imbestiga sa umano’y nangyaring kapabayaan ng mga lokal na opisyal.
Puspusan din ang paghain ng Department of Environment and Natural Resources ng show-cause order sa mga gusaling nakatayo sa gubat at wetland areas.
Samantala, sa Biyernes, Marso a-dos ay i-inspekyunin ng mga senador ang mga establisyimento sa isla na lumabag sa panuntunan ng gobyerno gaya ng hindi pagkuha ng permit sa DENR at sa lokal na pamahalaan.