Lima, arestado sa drug operation sa Parañaque

22

Manila, Philippines – Arestado ang limang indibidwal sa magkakahiwalay na operasyon kontra dorga sa Parañaque City.

Unang naaresto ang isang Edison Arias at Junior Reynaldo matapos itawag ng isang concerned citizen na nagsasagawa ng pot session ang mga suspek sa Hontiveros Compound, Brgy San Antonio.

Nakuha sa kanila ang tig-isang plastic sachet ng shabu at marijuana
at mga drug paraphernalia.

Nadakip naman sa buy bust operation sa nabanggit na barangay sina Airen Masukat at Jocelyn Akmad.

Kung saan nakuha sa mga ito ang isang plastic sachet ng shabu at isang libong pisong marked money.

Hindi din nakaporma sa isa pang buy bust operation sa Baclaran ang ginang na si Geraldine Soriano na nahulihan ng apat na sachet ng shabu at P300.00 na buy bust money.

Facebook Comments