VACC, kumbinsidong nagtago ang mag-inang Trangia

28

Manila, Philippines – Kumbinsido ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na nagtago ang sa ibang bansa ang pangunahing suspect sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III.

Kasunod ito ng boluntaryong pag-uwi sa Pilipinas ni hazing suspect na si Ralph Trangia kasama ang kanyang ina na si Rosemarie.

Ayon kay Chairman Dante Jimenez, bakit kinailangan umalis ng bansa si Ralph Trangia kung wala talaga siyang kasalanan.

Kahapon, inalok naman ng Department of Justice ang pamilya Trangia na sumailalim sa Witness Protection Program (WPP), pero tinangihan nila ito.

Facebook Comments