Structural Team dapat ng buuin ng pamahalaan ayon sa isang Senator

Naniniwala si  Senatoriable Ding Generoso na sa oras ng mga nangyayaring lindol npapanahon ng  dapat magbuo ang gobyerno ng structural Team na eksperto,at dapat unahin yong mga gusali ng gobyerno na maayos gaya ng gusali ng BFP na dapat matibay ang kanilang mga gusali upang makapag responde kaagad sa mga nangyayaring kalamidad.

Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Maynila sinabi ni Generoso na kinakailangan dapat segurihin ng gobyerno ang mga poste ng kuryente na kayang tumayo kahit na intensity 7 ang lindol upang walang masaktan o masawi sakaling dumating ang malakas na lindol sa bansa.

Paliwanag ni Generoso napapanahon na para palakasin ang ating Emergency Department sakaling magkaroon ng Emergency Situation dahil sila ang unang papasok at dapat lokal muna ang unang magresponde bago ang National.


Giit ni Generoso dapat palakasin ang LGU’s sa mga Emergency Situation at huwag nang aasa pa sa National Goverment maliban nalamang kung wala na talaga silang magagawa sa naturang sitwasyon.

Facebook Comments