Lima – patay, 17 sugatan sa pag-araro ng isang truck sa Taytay, Rizal

Taytay, Rizal – Lima ang patay kabilang ang isang 2-taong gulang na bata habang 17 ang sugatan nang araruhin ng isang container truck ang hilera ng mga tindahan at tricycle sa Taytay, Rizal.

Nabatid na nawalan ng kontrol ang 10-wheeler truck sa pababang bahagi ng dolores road sa barangay tikling kaninang umaga.

Sa inisyal na ulat, iniwasan ng truck ang dalawang tricycle kaya kinabig ng driver nito ang manibela at bumangga sa isang puno bago inararo ang nasa walong tricycle na nakaparada sa kalsada.


Karamihan sa mga namatay na biktima ay hinugot mula sa ilalim ng nasabing truck.

Facebook Comments