Lima na ang nasawi dahil sa sakit na dengue sa lalawigan ng Pangasinan, ayon yan sa tala ng Department of Health-Center for Health Development Region 1 (DOH-CHD 1).
Sa tala ng kagawaran, sumipa ng 114% ang kaso nito sa unang dalawang buwan ng taon. Sa Ilocos Region, nasa 1,064 na kaso na ang naitala mula sa 567 na kaso nito sa parehong panahon noong 2024.
Nangunguna naman ang Pangasinan sa may napakaraming kaso na pumalo na sa 529; 220 sa La Union; 167 sa Ilocos Sur; 83 sa Ilocos Norte at 35 sa Dagupan City.
Patuloy naman ang panawagan ng kagawaran sa 4 o’clock habit upang mabawasan ang mga kaso nito.
Samantala, ilang ospital na sa Ilocos Region ang inactivate ang kanilang mga Dengue Fast Lane, para sa agarang pagresponde ng mga tinamaan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨