Dahil bagsak presyo na ang kamatis sa mga pamilihan sa Pangasinan, ilang konsyumer ang sinasamantala ang pagbili nito.
Sa Dagupan City nasa sampu hanggang kinse ang kada presyo.
Matapos ang makaraang pagtaas sa kada kilo nito, laging sadsad umano ang naging presyuhan sa naturang produkto ngayon.
Kayang-kaya umano sa kanilang budget at masustansya pa umano ang kamatis bilang kanilang ulam.
Bagamat mababa ang presyo ng kamatis, Ilan paring Pangasinense ang panawagan na pagtuunan ng pansin ang pagpapababa pa ng presyo ng ilang bilihin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments