Lima, patay habang dalawa sugatan sa pananambang sa Zamboanga del Norte

Patay ang limang katao habang dalawa ang sugatan matapos tambangan ng mga hindi pa tukoy na salarin sa Sirawai, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Ali Manangca na kapitan ng Barangay Balubuan sa nasabing bayan.

Ayon kay Zamboanga del Norte Police Provincial Office Director Police Colonel Glenn Dulawan, sumailalim na sa operasyon ang dalawang sugatan matapos magtamo ng tama ng baril sa ilang parte ng katawan.


Nakikipag-ugnayan na ang mga pulis sa Sirawai Municipal Police Station at intelligent agents mula sa Provincial Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril.

Facebook Comments