Walong katao, na-ospital habang daan-daang iba pa inilikas dahil sa ammonia leak sa isang warehouse sa Malabon

Sinugod sa ospital ang walong katao habang daan-daan ang inilikas dahil sa ammonia leak sa isang warehouse sa Malabon City.

Ayon sa Malabon Bureau of Fire Protection (MBFP), dakong tanghali kahapon nang may mag-ulat sa kanila ng masangsang at nakakahilong amoy sa isang bodega ng oxygen tank.

Batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, sumingaw ang tubig na positibo sa ammonia sa lumang bahagi ng warehouse.


Dagdag pa rito, mataas ang concentration level ng ammonia na nasuri sa tubig sa lugar.

Sa ngayon, tinabunan muna ng buhangin ang bahagi ng warehouse na positibo sa kemikal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil dito.

Facebook Comments