Lima Patay habang tatlo ang sugatan sa panibagong sagupaan sa pagitan ng militar at NPA

Patay ang tatlong kasapi ng Platoon Arabo, Guerilla Front 73, Far South Mindanao Region ng New Peoples Army (NPA) sa panibagong sagupaan sa pagitan ng 27th Infantry Battalion, Philippine Army ala una kahapon sa Sitio Celtex, Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.
Ayon kay South Cotabato Police Provincial Director, Senior Supt Franklin Alvero, dalawa sa tropa ng militar ang binawian ng buhay, habang tatlo naman ang sugatan.
Nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng Focus Military Operation ang tropa ng militar sa nasabing lugar kun saan nakaengkwetro ang tinatayang 25 na kasapi ng rebeldeng grupo
Nakuha naman sa pinagyarihan ng engkwentro ang tatlong matataas na calibre ng mga baril ng mga rebelde
Samantala hindi pa pinangalanan ang mga namatay at nasugatan sa nangyaring sagupaan.

Facebook Comments