Patay ang limang katao habang 14 ang sugatan matapos sumabog ang isang kotse sa labas ng isang hotel sa Central Somalia.
Ayon sa mga lokal na opisyal, binangga ng mga kawatan ang isang kotse na punong-puno ng pampasabog sa pader ng Nur-doob hotel.
Maliban sa naitalang nasawi at nasugatang indibidwal ay nasira rin ang ilang estabilisyimento na malapit sa naturang hotel.
Inako naman ng Al-Shabaab na isang grupo na nakabase sa Somalia at konektado sa Al-Qaeda ang responsibilidad sa likod ng pambobomba,
Nagpaabot naman ng pakikiramay at tulong sa mga biktima si Prime Minister Hamza Abdi Barre sa naturang trahedya.
Facebook Comments