Incoming DOE Secretary Lotilla, nagpositibo sa COVID-19

64

Nagpositibo sa COVID-19 si incoming Energy Secretary Perpetuo “Popo” Lotilla.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Energy na nagpositibo si Lotilla noong Sabado at sumasailalim ngayon sa gamutan at self-isolation sa kaniyang bahay.

Naipabatid na ito ni Lotilla sa Malacañang ang kaniyang kundisyon at patuloy na magbibigay ng update hinggil sa kaniyang kalagayan.


Wala namang ibinigay na detalye ang DOE kung paano nakuha ni Lotilla ang virus.

Matatandaang tinamaan din kamakailan ng COVID-19 ang iba pang miyembro ng gabinete tulad nina Justice Secretary Crispin ‘Boying’ Remulla, Migrant Workers Secretary Susan ‘Toots’ Ople at maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Facebook Comments