Lima, patay sa patuloy na pag-ulan sa China

Umakyat na sa lima ang patay habang libu-libo ang stranded sa naranasang malakas at tuluy-tuoy na buhos ng ulan sa Southern China.

 

Sa Jiangxi province, daan-daang mga bahay ang nawasak at mahigit samping libong ektarya ng pananim ang nasira.

 

Umabot na rin sa 1.4 milyon residente ang apektado ng malakas na buhos ng ulan.


 

Kabilang sa dumaranas ng pag-ulan ang Guangdong, Fujian, Jiangxi, Yunnan, Sichuan at maging sa Taiwan.

 

 

Facebook Comments