Sa Cebu, Cebu Provincial Board, nagpalabas ng resolusyon na nag commend kay Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados

 

Nagpalabas ng resolosyon ang Cebu Provincial Board na nagcommend kay Miss Universe Philippines Gazini Ganados sa tagumpay na nasungkit nito sa Binibining Pilipinas 2019 kong saan si Gazini ay maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2019 competition.

 

Kinilala ng Cebu Provincial Board ang karangalan na nabigay ni Ganados para sa Cebu. Para nina 1st district board members Raul Bacaltos at Yolly Daan ikinagalak nila ang tagumpay ni Ganados at umaaso sila na maging inspirasyon si Ganados sa mga kababaihan at sa sambayanan.

 

Samantala handa naman ang Talisay City Government na suportahan si Ganados sa kaniyang Miss Universe competition.


Facebook Comments