Lima, Patay Sa Sunog Sa Isang Mall Sa Peru

11

MANILA – Bago ang pormal na pagsisimula ng APEC Summit sa Peru, isang trahedya ang naganap sa isang mall sa Lima district.Patay ang limang katao habang marami ang nawawala makaraang masunog sa isang sinehan sa Larcomar Shopping Center.Ayon kay Lima Fire Department Chief Miguel Eduardo Yi, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkakakilanlan ng mga biktima at dahilan ng sunog.Nabatid na nasa harap lamang ng nasunog na mall ang hotel na tutuluyan ni USPresident Barack Obama.Bukas, oras sa Peru ang pormal na pagsisimula ng APEC Summit na dadaluhan ng iba’t ibang lider ng bansa kabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments