Kinilala ang drayber ng Isuzu Elf Truck na si Marlo Bernardo y Pastor, 30-taong gulang at residente ng Brgy. Cabuyao, Cauayan City habang ang dalawang kasama naman nito ay sina Dominador Sarangay, 33-taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Mallabo, San Mariano, Isabela at Reynald Ramos y Marquez, 33-taong gulang, may asawa, at residente ng Landingan, Nagtipunan, Quirino.
Samantala, ang driver naman ng Toyota Hilux pick-up ay si Mario Aguinaldo y Maddela, 54-taong gulang, may asawa, at residente ng Centro, Sta. Anan, Cagayan at ang isa pang sakay nito ay si Emilio Castro, 52-taong gulang, security officer, at residente ng Sinungan, Sta. Ana, Cagayan.
Batay sa imbestigasyon ng PNP Tumauini, binabaybay ng elf truck ang daan patungong kanlurang direksyon habang ang pick-up truck naman ay patungong hilagang direksyon at nang dumating sa pinangyarihan ng insidente ay parehong di nagbigay ng daan dahilan upang mag banggaan ang mga ito.
Sa lakas ng salpukan, nahulog sa bangin at pick-up truck habang tumagilid naman ang elf truck at natapon rin ang ilang karang LPG sa bangin.
Nagtamo ng sugat ang limang indibidwal na isinugod ng Tumauini Rescue 811 sa Community Hospital ng bayan ngunit kalaunan ay dinala rin sa mas malaking ospital dahil sa lubha ng sugat na natamo ng apat na katao maliban kay Castro na minor lang ang sugat.
Nagsagawa naman ang Bureau of Fire Protection ng monitoring at safety handling dahil sa ilang leak ng LPG upang maiwasan ang posibleng karagdagang panganib dulot nito.