BRGY. KAGAWAD, PATAY MATAPOS MALUNOD SA KANAL

19
Patay ang isang barangay kagawad matapos na malunod sa isang kanal sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Sa inilabas na impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, kinilala ang nasawi na si Roger Mariano, 57-taong gulang, at residente ng sa Brgy. Nagsabaran, Claveria, Cagayan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakita pa umano ang lalaki ng bandang tanghali nitong Martes Setyembre-5 na nakainom na naglalakad na pauwi sa kanilang bahay.

Pagkauwi ay agad din itong umalis ng bahay upang manghuli ng isda ngunit gabi na at hindi pa nakakauwi ang lalaki na siyang pinagtaka ng asawa ng biktima.

Kinaumagahan, Setyembre 6, 2022, ay natagpuan na lamang ang mga gamit ng biktima sa tabi ng kalsada na kung saan malapit ang naturang kanal.

Wala ng buhay ang barangay kagawad ng matagpuan na nakalutang sa tubig ng kanal na hanggang baywang ang lalim.



Nagsagawa naman ang mga awtoridad ng post-mortem examination upang matukoy kung mayroon bang foul play na naganap ngunit pagkabagok pala ang ikinamatay ng biktima dahil sa sugat nito sa ulo.

Ayon sa imbestigasyon, hinihinalang nadulas ang biktima saka nahulog sa may kanal at nabagok ang kanyang ulo sa may matigas na kahoy na nakausli sa mismong kanal.


Wala naman umanong kaalitan ang kagawad sa kanilang lugar kung kaya’t naniniwala ang pamilya nito na aksidente ang nangyari.

Facebook Comments