Manila, Philippines – Nasa 80 grams o nagkakahalaga ng 400, 000 ang nakumpiskang shabu ng Southern Police District Drug Enforcement Unit sa drug buybust operation sa Brgy. Ususan, Taguig City.
Timbog naman ang lima katao sa drug buy-bust operation sa Brgy. Ususan,Taguig City.
Nagpanggap na poseur-buyer ang isang pulis para bumili nglimang libong pisong halaga ng shabu mula sa target ng operasyon na sina Evelyn Nazario at Lagen Tan.
Nakuha sa kamay ng dalawang suspect ang isang itim na boxna naglalaman ng limang sachet ng hinihinalang shabu.
Dinatnan rin ng mga otoridad ang tatlong indibidwal nanagpa-pot session sa loob ng bahay ni Nazario.
Kinilala ang mga suspect na sina Tony Rey Alfonso, Roxan Tiglao, at Rodel Samoy mula sa Pasig City na nakuhanan ng malaking plastic nanaglalaman ng mga hinihinalang shabu.
Depensa naman ni Tiglao, nagpunta lamang siya sa naturangbahay para mag-‘home service’ ng masahe kay alyas ‘Tony’.
Hindi naman itinanggi ng mga naarestong suspect nagumagamit sila ng iligal na droga, pero hindi naman umano sila nagtutulak.
Narekober mula sa mga suspect ang 5 thousand pesos nabuy-bust money, at mga drug paraphernalia.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nahuling suspect.
Lima, timbog sa operasyon ng SPD drug unit sa Taguig
Facebook Comments