MANILA – Patuloy na nadagdagan ang bilang ng patay sa Bayan ng Butig sa Lanao Del Sur dahil sa operasyon ng militar laban sa bagong terorista na maute.Sa report ng Philippine Army, nasa limampung myembro na ng Maute ang napatay habang lima sa hanay ng militar.Dahil dito, patuloy ang pambobomba ng militar sa pinagkukutaan ng grupo na pinamumunuan ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute na konektado sa Jemaah Islamiyah (JI).Nabatid na, nagsimula ang isang linggong bakbakan nang umatake ang grupo sa Barangay Bayabao Poblacion noong a-bente ng Pebrero.Samantala, nababahala si Barangay Bayabao Poblacion Chairman Adam Pansar Hadji Amir, dahil karamihan sa mga miyembro ng Maute ay pawang mga menor de edad at iba dito ay miyembro ng Khilafa Isamijah Mindanao (KIM) na konektado rin umano sa JI.Ayon naman kay Chairman Mangontawar Batawi Amantonding ng Barangay Samer, lumikas na ang mga residente sa kanilang lugar dahil sa tumitinding bakbakan.Nagpapatuloy ang relief operation ng Provincial Social Welfare Office ng Lanao Del Sur sa mahigit pitong libong apektadong residente.
Limampung Terorista Patay Sa Operasyon Ng Militar Sa Lanao Del Sur… Mahigit Pitong Libong Residente, Apektado Na Ng Bakb
Facebook Comments