Umarangkada na ang second round ng “Bayanihan, Bakunahan” kontra COVID-19 sa Negros Oriental, sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Odette.
Pero, imbes na tatlong araw, magiging limang araw ang bakunahan na nagsimula ngayong December 21, 22, 23, 27 at 28 na gaganapin sa Macias Sports Complex Mega Vaccination Center.
Ayon kay Assistant Provincial Health Officer, Dr. Liland Estacion, kailangang mabakunahan ang mga residente upang maging ligtas ang pagsasagawa ng relief and rehabilitation efforts para sa mga nasalanta ng bagyo.
Mamamahagi rin aniya sila ng face mask sa mga lugar na lubhang nasalanta ng bagyo sa lalawigan.
Matatandaang ipinagpaliban ang “Bayanihan, Bakunahan” noong December 16 dahil sa Bagyong Odette.
Sa kabila naman ng pananalasa ng Bagyong Odette, kumpiyansa pa rin ang Department Of Health (DOH) na maaabot ng Pilipinas ang target na mabakunahan sa katapusan ng taon.