MANILA – Magsasagawa muli ng limang araw na pork holiday ang mga hog raiser at kaalyadong sektor sa Abril.Ito ay para iprotesta ang kawalan ng hakbang para masawata ang pagpupuslit ng mga baboy at ibang produktong karne.Layon ng pork holiday na ito na kalampagin ang malakanyang na kumilos para masugpo ang talamak na pork smuggling na nakaapekto sa 80,000 backyard hog raiser.Una nang nagpalabas ng bukas (open) na liham para kay Pangulong Noynoy Aquino ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), the Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (PRO-PORK) at National Federation of Hog Farmers Inc. (NFHFI).Giit ng mga ito na libu-libong backyard hog raiser ang nawawalan ng kabuhayan dahil bukod sa nagpapatuloy ay nagiging talamak na ang smuggling habang tumatagal.Sa loob ng anim na taon, ang hog inventory sa mga backyard farm ay bumagsak sa 7.9 Million ngayong taon mula 9.54 Milyon noong 2010.Batay anila sa report ng kanilang mga trading partner, may 202 Milyong kilo ng baboy ang ipinuslit sa bansa mula 2010 hanggang kalagitnaan ng nakaraang taon.
Limang Araw Na Pork Holiday – Muling Isasagawa Ng Mga Hog Raiser At Kaalyadong Sektor Sa Abril
Facebook Comments