Sen. Grace Poe, Muling Nanguna Sa Latest Survey Ng Sws

7

MANILA – Nanguna pa rin si Senator Grace Poe sa latest survey ng Social Weather Stations.Sa March 4 to 7 survey, nakakuha si Poe ng 27% na mas mataas ng tatlong puntos kaysa noong nakaraang buwan.Pumangalawa naman si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 24% o limang puntos na bumaba.Si LP bet Mar Roxas ay 22% na may four points na pagtaas, si Davao City Mayor Rodrigo Futerte ay nakakuha ng 21%, habang nanatili naman sa 4% si Senator Miriam Defensor-Santiago.Ang survey ay isinagawa sa 1,800 na mga respondents na pawang mga botante.

Facebook Comments