Limang Barangay sa Cordon Isabela, Hindi Apektado ng Droga!

Cordon, Isabela – Hindi apektado ng droga ang limang barangay sa Cordon Isabela at hinihintay na lamang ang awarding nito mula sa Head Quarters ng PNP at PDEA.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Inspector Allan Batara, ang Deputy Chief of Police ng PNP Cordon, sinabi niya na ang limang barangay na drug free ay ang Brgy. Sagat, Laurel, Anonang, Camarao at Taliktik kung saan ay kinukumpleto pa ang requirements ng Brgy. Gayong at Calimaturod para maging dagdag sa barangay drug free habang may 19 barangay naman ang nasa ilalim pa lamang ng proseso upang maging drug cleared.

Sinabi pa ni Police Inspector Batara na maigting naman umano ang koordinasyon ng PNP Cordon at mga opisyal ng Barangay Anti Drug Abuse Council (BADAC) kaugnay sa programang anti drug campaign.


Kaugnay pa nito ay mayroon nang 129 tokhang reponders sa bayan ng Cordon na nakapagtapos na ng kanilang Community-Based Rehabilitation Program (CBRP) at 92 tokhang responders ang kasalukuyang sumasailalim ng kanilang CBRP.

Sinabi pa ni PI Batara na mula sa buwan ng Enero ay may nahuling dalawampung suspek sa drug buy bust at lahat umano dito ay naisampa na sa korte kung saan kadalasan umano ay marijuana ang nakukuha sa mga sangkot sa droga.

Facebook Comments