Limang Barko Ng China – Kinumpirmang Naka-Puwesto Ngayon Malapit Sa Quirino Island O Jackson Atoll Sa West Philippine Se

MANILA – Hindi bababa sa limang barko ng China ang kumpirmadong naka-puwesto ngayon malapit sa Quirino Island o Jackson Atoll.Ayon kay Kalayaan, Palawan Mayor Euginio Bito-Onon Jr. – natatakot sila sa pag-standby ng mga barko dahil posible umanong mang-harass na naman ito sa mga Pilipinong mangingisda sa lugar.Matatandaang una nang naiulat na nakuha na ng China ang Atoll kung saan inireklamo ng mga mangingisda mula Mindoro Occidental ang umano’y pagpapalayas sa kanila ng mga Chinese vessel.Kaugnay nito – ikinabahala naman ni Magdalo Rep. Francisco Ashley Acedillo ang aniya’y mabagal at kulang na aksyon ng gobyerno para protektahan ang interes ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.Dagdag pa ni Acedillo, ipinapakita lamang ng patuloy na pagkilos ng China na wala silang pakialam sa kasong isinampa ng Pilipinas sa International Arbitral Court sa the Hague.Samantala, inamin naman ng China na nagpadala nga sila ng mga barko sa isla pero ito’y para alisin umano ang nabalahong barko ng Pilipinas.Paliwanag ng Chinese Foreign Ministry – nagpadala sila ng rescue at salvage ship sa Jackson Atoll para hindi mabalaho ang matagal na at kinakalawang nang barko ng Pilipinas doon na maaring makaapekto sa paglalayag at makasira pa sa yamang dagat.Bukod rito – umapela rin ang China sa Estados Unidos na huwag nang palakihin pa ang sigalot sa rehiyon.

Facebook Comments