Magkakaroon na ng regulation sa pagpasok ng mga sasakyang pandagat dito sa lungsod ng Cotabato. Matatandaang nilagdaan nitong Huwebes ni Cotabato City Mayor Atty. Cynthia Guiani Sayadi ang isang Executive Order 222 para sa paglalagay ng limang common boat docking areas malapit sa Tamontaka river, Rio Grande de Mindanao at Matampay river.
Sinabi ni Mayor Sayadi layon nito na mapigilan ang pagpasok ng smuggling ng mga kontrabando na kagagawan ng mga lawless elements na umaangkat sa mga biyaheng pandagat.
Nakasaad sa order na kailangang marehistro ang mga sasakyang pandagat sa Public Safety Office habang ang mga non residence ng lungsod ay dapat magkaroon ng entry record kasama ang 5th Special Forces. Ang minimal fees sa mga bangkero para sa taga lungsod ay 5 piso habang 20 piso naman sa non residence ng lungsod.(Amer Sinsuat)
Limang common docking areas ilalagay sa lungsod ng Cotabato
Facebook Comments