Limang construction workers, sugatan sa pagbagsak ng beam sa Skyway stage 3

405

Manila, Philippines – Limang construction workers ang nasugatan sa pagbagsak ng cobin beam rebars ng skyway stage 3 sa Osmeña-Buendia.

Kinilala ang mga nasugatanna sina Norman Nicolas,Ronald Degamo,Jerwin Deocarisa,JR Balaquidan at Guillermo Santos Jr.

Sila ay nagtamo lamang ng minor injuries.

Agad naman na rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Makati Police at ang rescue personnel ng DMCI .

Ayon sa Makati PNP, tatlo ring mga sasakyan ang napinsala sa insidente.

Pinapayuhan naman ng pamunuan ng Skyway ang mga motorista na iwasan munang dumaan sa Buendia sa South Luzon Highway extension dahil sa mabigat ngayon ang daloy ng trapiko sa lugar.

Facebook Comments