Limang evacuation centers, binuksan na sa Rizal

Manila, Philippines – Base sa impormasyon mula Rizal Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office mula sa:

Angono, Rizal
Pitong pamilya (47 indibidwal) na nagsilikas mula sa Barangay San Roque, ay nananatili ngayon sa Doña Justa Guido Memorial.

Habang sa Barangay Kalayaan, nasa 9 na pamilya (44 indibidwal) ang nananatili ngayon sa Veteran Center.


Morong, Rizal:
Mula sa Barangay San Guillermo, ang 10 pamilya na lumikas ay nananatili ngayon sa covered court ng barangay.
Habang ang 7 pamilya naman mula pa din sa Barangay San Guillermo ay nananatili sa Church for Christ.

Taytay, Rizal:
Mula sa Barangay San Juan, ang 5 pamilya (34 indibidwal) na lumikas ay nananatili ngayon sa covered court ng barangay.

Ayon kay Joses Reyes, mula sa Rizal PDRRMO, nakapagpaabot na ng tulong (relief goods) ang lokal na pamahalaan ng Rizal sa mga evacuees at sa ngayon, lahat ng kalsada sa Rizal ay nananatiling passable sa mga sasakyan.

Facebook Comments