Limang health workers, nadagdag sa bilang ng mga namatay sa COVID-19

Umakyat na sa 83 ang bilang ng healthcare workers na namatay sa COVID-19 matapos maitala ang limang bagong fatalities.

Sa datos ng Department of Health (DOH), ang total infections sa mga health workers ay umabot na sa 14,428 kung saan 171 ang bagong kaso.

Nasa 14,012 ang gumaling habang nasa 333 medical workers ang active cases o nagpapagaling o naka-quarantine.


Ang nurses pa rin ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na may 5,152 infections, kasunod ang mga doktor, nursing assistants, medical technologists at midwives.

Higit 600 ang non-medical personnel, tulad ng utility workers, security guards at administrative staff.

Facebook Comments