LIMANG INDIBIDWAL, ARESTADO DAHIL SA ILIGAL NA TUPADA SA URDANETA CITY

Arestado ang limang indibidwal sa isinagawang operasyon ng Urdaneta City Police Station laban sa iligal na tupada o the illegal cockfighting, dakong alas-5:55 ng hapon noong Nobyembre 15, 2026, sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jeofrey E. Sanchez, officer in charge ng PNP Urdaneta City, nakatanggap umano ang pulisya ng tawag mula sa isang concerned citizen hingil sa nasabing iligal na tupada at pustahan na kanila namang pinuntahan.

Dagdag ni Sanchez, nakumpiska sa operasyon ang apat na buhay at dalawang patay na panabong, dalawang kahon, isang metal na tari, at perang pustahan na nagkakahalaga ng ₱1,990.

Samantala, dinala ang mga suspek sa Urdaneta District Hospital para sa medical examination bago inilipat sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso sa ilalim ng Presidential Decree 449 o Cockfighting Law of 1974.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng kapulisan ang publiko na iwasan ang iligal na pagsusugal at patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad upang masugpo ang mga kahalintulad na gawain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments