MATAPOS ANG APAT NA TAONG PAGTATAGO, TOP 2 MOST WANTED SA BAYAN AT TOP 7 SA LALAWIGAN NG TARLAC, ARESTADO SA TAYUG, PANGASINAN

Matapos ang apat na taong pagtatago, arestado sa bayan ng Tayug, Pangasinan ang isang lalaking kabilang sa Top 2 Most Wanted Person sa municipal level at Top 7 sa provincial level sa lalawigan ng Tarlac dahil sa kasong carnapping.

Kinilala ang suspek bilang residente ng San Manuel, Tarlac.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016, na may inirekomendang piyansang ₱300,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Manuel Municipal Police Station sa Tarlac ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Muling hinikayat ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan at magsumbong ng mahahalagang impormasyon upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

Pinangunahan naman ang operasyon ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company, katuwang ang Tayug Municipal Police Station, San Manuel Municipal Police Station at Gerona Municipal Police Station ng Tarlac Police Provincial Office. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments