LIMANG KATAO, TIMBOG SA BUY-BUST SA URDANETA CITY; P129K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM

Timbog ang limang katao sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa urdaneta city, matapos mahulihan ng P129,200 na halaga ng hinihinalang shabu. Kinilala ang mga suspek na pawang kalalakihang residente sa lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang 19 gramo ng hinihinalang shabu, siyam na piraso ng machine copy ng 1,000 peso-bill bilang buy-bust money, tig-isang piraso ng totoo at pekeng 500 peso bill, at ilan pang non-drug paraphernalias.

Matapos ang imbentaryo at dokumentasyon ng awtoridad, dinala sa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon, habang inihahanda ang kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments