Aabot sa limang libong malaga o siganid ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa isang lagoon sa Barangay Estanza.
Pinangunahan mismo ng Municipal Agriculture Office o MAO Lingayen ang nasabing aktibidad sa pamumuno na rin ni Dr. Rodolfo Dela Cruz.
Ayon sa naturang tanggapan, nadiskubre ng BFAR ang isang lagoon nang ilunsad ng LDRRMO ang kanilang sub-station II sa coastal barangays ng Western District na kinabibilangan ng barangay tulad ng Capandanan, Estanza, Malimpuec, Balangobong at Sabangan.
Dito ay kanilang nadiskubre ang potensyal ng naturang lugar lalo na sa pagpapalaki ng mga alagang isda. Matapos ang isinagawang validation, nagdesisyon na ang BFAR na magpakawala ng limang libong malaga o siganid upang magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan ang mga mangingisda sa lugar.
Samantala, bukod sa BFAR at MAO Lingayen dumalo sa nasabing aktibidad ang fisherfolks association ng Brgy. Estanza kasama ang kanilang presidente na si Ginoong Melchor Valdez at Ginoong Benjamin Sison MFARMC President.| ifmnews
Facebook Comments