LIMANG-LIBONG PISONG FINANCIAL ASSISTANCE, IPINAMAHAGI SA 470 BENEPISYARYO SA LALAWIGAN NG PANGASINAN

37

Nabigyan ng 5, 000 pesos na financial assistance ang 470 na Pangasinense sa nagpapatuloy na distribusyon ng Department of Social Welfare and Development.

Mula sa 43 LGUs ang mga indibidwal na nabigyan ng ayuda na nasa ilalim ng crisis situation, indigents, mga inabandona, senior citizens at solo parents ang mga naturang benepisyaryo.


Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer, Emilio Samson Jr., P3-million ang budget na inilaan ng DSWD Region 1 ang ibinigay sa probinsya.

Mahigpit umano ang ginawang pagpili sa mga benepisyaryo na inendorso ng social workers ng bawat lokalidad.

Matatandaan na mayroong 6. 65 milyong piso ang inilaan para rin sa Livelihood Assistance Grant o LAG program para sa mga Pangasinense.

Facebook Comments