Pulis, Sumaklolo sa Buntis na Inabot nang Panganganak

10

Cauayan City, Isabela- Sumaklolo ang kapulisan ng 1st Quirino Provincial Mobile Force Company sa isang buntis na inabutan ng panganganak sa patrol car sa bayan ng Cabarroguis, Quirino.

Una rito, habang nagsasagawa ang mga tropa ng 1st QPMFC at EOD K9 ng Barangayanihan sa Brgy. Gomez sa nasabing bayan, isang tatay ang dumulog sa barangay Hall upang humingi ng tulong sa Kapitan para madala sa ospital ang kanyang buntis at manganganak ng asawa.


Ngunit sa oras na iyon ay wala ang sasakyan ng kanilang barangay.

Nang mabatid ng kapulisan na wala ang sasakyan ng barangay, agarang inutusan ni PLt/Col Ernesto DC Nebalasca Jr, Force Commander ng 1st QPMFC ang kanyang mga tauhan na gamitin ang patrol car upang madala agad sa pinakamalapit na ospital ang manganganak na Ginang.

Agad namang naisakay sa sasakyan ng mga pulis ang nasabing buntis subalit habang sila ay nasa daan ay napaanak na ang Ginang.

Inalalayan naman ni Pat Elymar C. Ayuman ang Ginang at matagumpay na naisilang ang sanggol sa babae.



Maayos ngayon ang kalagayan ng mag-ina na kasalukuyang nasa Quirino Provincial Medical Center.


Facebook Comments