Sunod na pupuntahan ng RMN Foundation ang Visayas Region upang mamahagi ng tulong sa nagpapatuloy na Oplan Tabang Relief Operation.
Kinumpirma ito ni RMN Foundation Corporate Social Reponsibility Assistant Patrick Aurelio kung saan hahatiran ng tulong ang mga lalawigan ng Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu at Negros Province na labis ding hinagupit ni bagyong Odette.
Samantala, naging matagumpay ang Oplan Tabang Relief Operation sa Siargao at Dinagat Islands noong nakaraang linggo kung saan nakapaghatid ng 1,000 relief packs na naglalaman ng bigas, tubig, de lata, at iba pa sa mga nabanggit na lugar.
Nagpapasalamat ang RMN Foundation sa mga naging kaagapay para maisakatuparan ang misyon kabilang na ang Surigao del Norte Provincial Government, Santa Monica local government unit at Santa Monica municipal police station.
Nakatuwang din ng RMN Foundation ang Project Nightfall Organization na nagbigay din ng tulong.