Libreng sakay sa public transport, target ipatupad ng LTFRB sa Marso

94

Target ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maipatupad ang libreng sakay sa pampublikong transportasyon sa Marso.

Ayon kay LTFRB Executive Director Joel Bolano, hinihintay na lamang nila na maibigay sa kanila ang pondo para sa Service Contracting Program na aabot sa 1.7 billion.

Bukod dito, mayroon ding P2.5 billion na pondo para sa fuel subsidy para sa mga pampasaherong jeep, bus, taxi at UV express.


Tugon ito ng pamahalaan sa gitna ng sunod-sunod na oil price hike.

Samantala, nagpalabas na ang Department of Labor and Employment ng compliance order laban sa mga operator ng bus carousel kaugnay naman sa umano’y hindi pa rin natatanggap na pasahod at benepisyo ng mga driver at konduktor.

Facebook Comments