Limang MG-520 attack helicopter ng Philippine Air Force, grounded na dahil sa pagbagsak ng isa kahapon sa Bohol

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Air Force (PAF) sa nangyaring pagbagsak ng MG-520 attack helicopter kahapon sa Bohol na ikinasawi ng piloto nito at ikinasugat ng tatlo pang sakay nito.

Ayon kay PAF Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, dahil sa pangyayaring ito grounded na ang lahat ng MG–520 attack helicopters ng Philippine Air Force.

Aniya, mayroon silang anim na MG-520 attack helicopters pero dahil bumagsak kahapon ang isa, lima na lamang ang mga ito ay ngayon ay grounded na.


Sinabi pa ni Mariano, apat na dekada nang ginagamit ng PAF ang nasabing mga attack helicopters.

Malaking tulong aniya ang mga attack helicopters na ito sa operasyon ng militar laban sa mga teroristang grupo at maging noong kasagsagan ng Marawi siege noong taong 2017.

Kahapon una ng pinulong ni PAF Commanding General Lt. Gen. Allen Paredes ang mga piloto at crew sa Mactan Air Base sa Cebu para pataasin ang moral ng mga ito matapos ang pagkasawi ng kanilang kasamahan sa Bohol kahapon.

Facebook Comments