Pinoy Pop group na SB19, tutulong sa mga frontliners sa pamamagitan ng merchandise na damit

Matapos ang matagumpay na latest music video, tinatarget na ng Pinoy Pop group na SB19 na magkaroon ng inisyatibo para matulungan ang mga frontliners na patuloy na lumalaban kontra COVID-19.

Ayon sa grupo, nakipag-collaborate sila sa designer na si Chynna Mamawal kung saan ang ilang disenyo ng kanilang damit ay hango sa hit single nilang Go Up.

Ang malilikom mula sa kanilang ay mapupunta sa paggawa sa Personnel Protective Equipment (PPE) ng mga frontliners.


Nagpasalamat naman ang mga miyembro ng SB19 na sina Sejun, Josh, Stell, Justin at Ken sa walang sawang suporta ng kanilang fans.

2018 nang magsimula ang SB19 sa ilalim ng Korean agency na Show BT Philippines at nito lamang July ay inilabas nila ang kanilang debut album na pinangalanang “Get In The Zone”.

Facebook Comments