Limang mga bata, pinagkalooban ng regalo ng Pasig PNP

Nakatanggap ng mga regalo ang limang batang kapuspalad sa Pasig City matapos ipagkaloob ang kanilang kahilingan ng Pasig Police.

Ayon kay Police Colonel Roman Arugay, hepe ng Pasig Philippine National Police (PNP), ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng kanilang programang “Wish Upon A Tree”.

Aniya, ang nasabing programa ay may layunin na tuparin ang mga simpleng kahilingan ng batang kapos-palad ng lungsod.


Ito rin aniya ay alinsunod sa pagdiriwang ng child protection month na ginugunita ngayong buwan.

Gagawin aniya ito kada linggo kung saan limang mga batang kapuspalad sa lungsod ay mabibigyan ng regalo.

Pero aniya sisikapin nila na sa mga susunod na linggo ay sampung bata na ang mabibigyan ng mga regalo.

Facebook Comments