Limang MILF fighters, patay matapos masabugan ng landmine sa Maguindanao

Manila, Philippines – Patay ang limang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang tatlo ang sugatan nang masabugan ng landmine sa barangay Andavit Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Sa ulat mula sa Philippine Army 6th Civil Military Operations Batallion, kinokordon ng grupo ni Commander Asrap ng MILF Task Force Ittihad ang mga tauhan ni Abdulmalik alyas kumander Toraype ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang mangyari ang pagsabog.
Apat na mga tauhan ni kumander Toraype ang nasawi at dalawa naman ang nasugatan sa panig ng MILF.
Matatandaang nagkasagupa ang MILF at BIFF sa barangay Pusaw Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.
Sa ngayon, ay patuloy na tinutugis ang mga miyembro ng BIFF sa tulong naman ng MILF.

Facebook Comments