Limang Militiang Bayan Pa sa Cagayan, Sumuko!

97

Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela – Limang kasapi ng Militiang Bayan(MB) ng komunistang New People’s Army ang sumuko sa 17th Infantry Battalion at Rizal Municipal Police Station noong araw ng Lunes, Pebrero 26, 2018.

Ang pagsuko ng lima ay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng mga opisyal ng Barangay Bural, Rizal, Cagayan sa pangunguna no Punong Barangay Evelyn Baloran at Bise Mayor Joel A Ruma ng Rizal, Cagayan.


Ito ang napag-alaman ng RMN Cauayan News sa ipinadalang kalatas ni Army Captain Jefferson Somera, ang pinuno ng 5ID Division Public Affairs Office (DPAO).

Ayon kay LtCol Camilo Saddam, Commanding Officer ng 17IB, na limang kasapi ng Militiang Bayan ay una nang nakilala sa mga sumapi sa isang pagsasanay na isinagawa ng mga Communist NPA Terrorist(CNT) sa Zinundungan Valley noong 2014.

Ginunita pa ni Colonel Saddam na sa naturang dinaluhan nilang training ay sumumpa sila sa kanilang suporta sa grupong kumunista.

Ipinaabot din ng Company Commander ng 17th IB ang kanyang pagkilala sa mga lokal na mga opisyales na tumulong sa pagsuko mg limang mga indibidwal kasabay ng paghikayat sa mga nagsasawa nang kasapi ng CNT sa kanilang sinapihang kilusan na bukas na bukas ang pamahalaan sa kanilang pagbabalik loob.

Magugunita na sa nakalipas na mga araw ay 22 na mga Militiang Bayan ang sumuko sa 17th IB at PNP Rizal.

Lahat ng mga ng naturang 22 na sumukong MB ay tubong  Rizal, Cagayan.

Facebook Comments