Limang milyong pisong multa ng LTFRB sa Grab, tiniyak na hindi ipapasa sa mga pasahero

Manila, Philippines – Tiniyak ng Transport Network Company na Grab Philippines na hindi nila ipapasa sa mga pasahero ang ipinataw na limang milyong pisong multa sa kanila ng LTFRB.

Ayon kay Grab Country Manager Brian Cu, baka maglunsad pa sila ng maraming promo sa halip na bigyang pasanin ang mga pasahero at ang kanilang mga partner driver.

Dagdag pa ni Cu, bilang pasasalamat aniya ito sa desisyon ng LTFRB na maipagpatuloy ang kanilang operasyon kasama ang Uber at Uhop.


Pinatawan ng LTFRB ng tig-limang milyong piso ang Grab at Uber dahil sa pagkuha ng mga bagong driver sa kabila ng suspension order, Trading of Franchises, No drivers ID at iba pang mga paglabag sa ahensya.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments