Limang miyembro ng robbery group, patay sa operasyon ng PNP sa Pangasinan

Manila, Philippines – Patay ang limang miyembro ng robbery group matapos ang ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Provincial intelligence Branch, pangasinan Police provincial office at CIDG region 1 sa Poblacion District 2 Pozorrubbio Pangasinan.

Ayon kay Pangaisnan Police Provincial director Sr Supt Ronald Lee, alas 12:30 ng tanghali kanina ng mangyari ang enkwentro sa pagitan ng tropa ng pulis at grupo ng mga magnanakaw sa Pozorrubbio Pangasinan.

Sinabi pa ni Lee kamakalawa ng gabi pa nila ino-operate ang grupon dahil sa pangho-holdap sa mga gasolinahan .


Kaninang tanghali ay natyempuhan nila ang grupo dahilan ng pagkasawi ng limang miyembro nito.

Narekkober sa pinangyarihan ng sagupaan ang ibat ibat baril at isang titim na toyota fortuner na walang plate number.

Walang naitalang sugatan o nasawi sa panig ng mga pulis.

Facebook Comments