BUKING │ Tanggapan ng tagapagsalita ng Pangulo, nasangkot na naman sa isang kahihiyan

Manila, Philippines – Nahuli ngayon ng ang online troll sa loob mismo ng Office of the Presidential Spokesman.
Sa Facebook live kasi ng official Facebook page ng Presidential Communications Operations Office sa briefing para sa Mindanao Hour ay nakita na nag-comment ang official Facebook page ng Office of the Presidential Spokesman kung saan binabanatan nito ang isang reporter ng Rappler at ang TV5 host na si Lourd de Veyra.
Isang bastos na komento ang inilabas ng hindi pa kilalang administrator ng Facebook page ng OPS ay isang bastos na kataga ang sinabi nito na ikinukumpara si de Veyra sa Rappler reporter.
Todo naman ngayon ang palusot o paliwanag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Sa pahayag na inilabas nito ay sinabi nito na ang nagkomento ay dating administrator ng OPS Facebook page at matagal na aniyang hindi konektado sa kanyang tanggapan.

Screen grab post from: Politiko

Facebook Comments