Isinagawa ng Department of Health (DOH) officials, Undersecretary Elmer G. Punzalan at Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang blessing at inauguration ng limang bagong negative pressure isolation rooms na matatagpuan sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHCMC) Batac City, Ilocos Norte.
Sinabi ni DOH Regional Director Paula Paz M. Sydiongco na sa mga kritikal na panahong ito na dulot ng pandemya ng Covid-19, ang bawat health facility ay dapat magkaroon ng maayos na ventilation systems dahil sa mga airborne infections na maaaring maglantad sa mga pasyente tulad ng immune-compromised, bagong panganak, mga matatanda kabilang ang mga tauhan ng ospital at pati na rin ang mga bisita ay maaari ding nasa panganib na magkaroon din ng mga sakit na dala ng hangin, kaya kailangan ng isang hiwalay isolation rooms.
Ang limang isolation room ay pinondohan ng World Bank bilang bahagi ng COVID-19 emergency health support program nito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pagbuo ng mga tugon ng bansa mula sa mga nakakahawang sakit.
Ipinaabot ni Undersecretary for Field Implementation and Coordination Team Dr. Punzalan ang kanyang pasasalamat sa World bank para sa kanilang patuloy na suporta sa sektor ng kalusugan ng bansa.
Idinagdag nito na sana ay magkaroon ng higit pa sa mga proyektong ito sa mga pampublikong pasilidad sa kalusugan upang paglaban sa mga nakakahawang sakit. | ifmnews
Facebook Comments