Kinumpirma ng Office of Transportation Security (OTS) ang pagkakasibak sa lima nilang tauhan na sangkot sa extortion sa isang dayuhang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 2.
Partikular ang video na nag-viral sa social media hinggil sa pagtanggi ng Security Screening Officer (SSO) na ibalik sa Thai na pasahero ang 20,000 yen o P8,000 kinuha sa kanya.
Bukod sa pagkakasibak sa pwesto, nasa ilalim na rin ng preventive suspension ang naturang OTS personnel.
Tiniyak din ng pamunuan ng OTS na kakasuhan ng administratibo at kriminal ang lima nilang tauhan.
Pursigido rin ang OTS na mapakulong ang kanilang mga tauhan na nasa likod ng naturang katiwalian.
Hinihimok din ng OTS ang dayuhang biktima na agad na kasuhan.
Facebook Comments