Rekomendasyon ng 5-man advisory group hinggil sa inisyal na 118 courtesy resignations ng mga 3rd level officer, isusumite na sa NAPOLCOM

Pinaplantsa na ng 5-man advisory group ang inisyal na 118 courtesy resignations na inihain ng mga 3rd level official ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., base sa huling pulong ng advisory team noong Biyernes ay isinasapinal na lamang nila ang kanilang rekomendasyon at saka ipapasa sa National Police Commission (NAPOLCOM) bago tuluyang isumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kabilang sa 118 senior police officers ay commanders, team leaders, at staff officers ng PNP.


Sa ngayon, hindi muna masabi ng opisyal kung konektado ang inisyal na 118 officials sa illegal drugs.

Aniya, ang nalalabing 800 3rd level officers ay isasalang sa vetting process sa mga susunod na Linggo.

Nabatid na kada Miyerkules at Huwebes ay nagkakaroon ng pagpupulong ang advisory group.

Facebook Comments