LIMANG PANGASINENENG OFW NANAPAUWI MULA SA BANSANG SUDAN, TUMANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE MULA SA OWWAREGION 1

Matagumpay na napamahagian ang limang Pangasinenseng OFW ng financial assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1 na napauwi sa bansang Sudan dahil sa kasalukuyan nitong sitwasyon ngayon na giyera.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Kristian Paul Maglaya, ang Labor Communications Officer ng OWWA Region I ay nasa P50, 000 ang natanggap ng mga Pangasinenseng ito kung saan apat sa kanila ay pawang mga Dagupeno at ang isa naman ay taga Pangasinan ngunit nakapangasawa sa Tarlac.
Ang naturang tulong pinansyal ay sa ilalim ng Emergency Repatriation Fund (ERF) sa bawat pamilya ng mga OFW na apektado ng kaguluhang sibil sa nasabing bansa at ang tulong na ito ay magagamit ng mga ito para panghanapbuhay sa bansa habang hinihintay nila ang normal na sitwasyon ng Sudan kung ang mga ito ay babalik pa.
Ayon pa sa kanya, natanggap ng mga OFWs ang tulong na ito sa pamamagitan ng pagproseso ng kanilang mga dokumento at agad na nakipag-ugnayan sa tanggapan ng OWWA.
Sa ngayon nanawagan ang opisyal sa mga OFWs na mapapauwi na agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng OWWA upang agad na mabigyan ng agarang tulong mula sa ahensya.
Kaisa umano ang OWWA sa panalangin ng mga OFWs na sana umano ay bumalik na sa normal ang sitwasyon sa bansang Sudan upang makabalik na rin ang mga ito ngunit kung hindi man papalarin ay marami pa namang mga paraan para makapag-patuloy sa paghahanap-buhay sa bansan sa tulong ng iba’t ibang programa ng ahensya.
Facebook Comments